May offer sa isang company, binigyan ng 1 week para i-review ang contract; Hopeful after panel interview sa dream company, 1 month pa ang result

Ano pong gagawin ko?

May job offer po ako ngayon sa isang company na 1 week para i-review ang contract bago mag-sign. Wise po ba na i-delay ko po ito para hintayin ang result sa dream company ko? Matagal po ba yung 1 month para sa mga nagha-hire? Paano ko po ito sasabihin sa kanila?

Gusto ko pong hintayin ang magiging result ng panel interview sa dream company kasi po hopeful ako base sa mga magagandang feedback nila habang interview. Binigay ko po talaga ang best ko.

For context, may hinuhulugan po ako ngayon na bahay. May part time po ako na nakakatulong nang kaunti sa paghuhulog pero hindi po sapat. May kaunting ipon pa po. Natatakot lang po ako na baka malipasan ako ng opportunity tapos asang asa na ako sa dream company sunod baka hindi po pala ako ang kukunin.

Salamat po in advance!

Edit: Option po ba na tanggapin ko ang current job offer tapos mag-resign ako agad kapag ako natanggap sa dream company? O makakasama po ito sa professional image (kung meron man pong ganun) at posible po bang ma-blacklist dahil dun?