Ano nakapag-paalis ng kati ng lalamunan niyo?

Problem/Goal: Makati pa rin ang lalamunan ko kahit nakainom na ako ng gamot na niresetahan ng barangay center.

Context and Solutions tried: Na-resetahan ako ng isang linggong gamot para mawala ang kati sa lalamunan ko, pati na rin ng mga vitamin iron. Wala naman akong masyadong plema, pero ang kati ayaw talaga mawala kahit natapos ko na ang reseta. Sinubukan ko na rin mag-gargle ng tubig na may asin ng halos isang linggo na, pero wala pa rin pagbabago. Nakaka 12 glass din ako everyday ng water.