Should I just rent beside my workplace?

Hello, reddit!

I’ve been contemplating this for a long while now. Taga-province ako and I’m (24F) renting somewhere in North EDSA around 18k a month for a 32sqm fully furnished. Sobra isang taon na ako dito and maganda sana kasi malapit sa malls at lahat lahat pero ang problema ay it’s way over my budget at sa BGC (specifically around One World Squre Mckinley) ako nagtatrabaho. Sobrang hirap ng commute na umaabot ng 2hrs one way. Onsite ako at least tatlong beses sa isang linggo.

Ngayon, iniisip ko kung mas maganda na magrent na lang doon sa mga condo na nalalakad lang sa Venice Grand Canal. May mga nakita din akong 18k for 24sqm fullyfurnished pero around 13k-15k max lang sana yung hanap ko. Yung isa pang issue ko dito ay sobrang loob ng Mckinley. Ang hirap din mag commute palabas on weekends o kung lalabas ka from mckinley in general kasi need na ng taxi o lalakarin na paakyat sa lawton.

Isang option ko ay magrent na lang sa Mandaluyong around Greenfield/Boni area. Mas mura ang rates doon at may nakita akong 15k na fully furnished/semi-furnished. may 12k din na bare pero 19sqm. Isang tulay lang siya from bgc at mas nasa sentro. 30mins-1hr na commute compared sa dalawang oras.

for transparency around 50k gross a month sahod ko kaya sinusubukan kong hindi mag overspend kasi sobrang mahal ng rent ko ngayon. Condo pa rin preference ko for security. Any advice? salamat!