Sumali si partner sa frat (trisk). I want him to leave.
Si partner kasi sali sa frat, pero bad feeling ko lagi. Meron pa nga rule na pag may nagrumble sakanila need nila idefend sarili nila/finish the rumble.
Sabi niya tumutulong sila sa tao pero wala parin ako nakita na may ginawa sila. Inaalok ko nga sila na tumulong sakin sa feeding programs, missions at donation drives dahil may mga nagddonate/sponsor sakin ng goods ko pero ayaw nila.
Laging super secretive mga ginagawa nila pero nahuli ko na naghhazing sila. Pinagalitan ko siya lagi na pampacool lang mga frat at anong tulong magawa nila para samin? Anong ambag nila sa buhay namin? Puro attend ng meetings, hazing, events, inuman pero wala naman masyadong ginagawa for the people. Eh bat ayaw nalang ni partner sumali sa mga legit donation drives/groups na talagang halos weekly sila tumutulong sa mga bata in need, medical missions, etc? Hinahayaan ko nga sa inuman sa tropa, mga billiard or ano basta pag frat ayoko talaga.
Gusto ko nga siya sabihan na ayoko ituloy relationship namin kung member siya ng frat. Pag di siya makaattend ng meeting parang nagttaranta siya kahit malayo ang biyahe niya at walang pera pang pamasahe pupunta talaga siya parang di pwede magabsent.
Natatakot ako sa safety niya at kami ng anak niya.